Eto yung mga pagkakataon na hihilingin mo na sana lahat ng padre de pamilya e katulad ni tatay (bale lolo namin). Tss. Sino ba naman kasi ang gugustuhin na magkaron ng ama na mumurahin yung anak, sasaktan ang asawa di ba? Tapos kung anu ano pa sasabihin na hindi naman dapat na. At tsaka dapat ba isumbat lahat ng ginagawa niya? Kung tutuusin tungkulin niya bilang ama yun e. Pagiging ama ba yung pinapakita niya? Lahat na lang idadaan sa init ulo. Lahat na lang at lagi na lang siya ang pagpapasensiyahan at iintindihin. Anong klase yun? Ako rin, di ko alam. Kung tutuusin, dapat nga mas iniisip niya yung mga ginagawa at sinasabi niya ngayon e lalo na’t lumalaki na yung mga anak niya. Siyempre, habang lumalaki, mas nagkaka-isip din. Sa tingin ba niya magiging ehemplo siya ng ganyan? Oo, masamang ehemplo nga lang. Nakakaasar no? Ang layo sa ibang mga ama kung titingnan mo. Hay.

Bakit nasabi ko na sana lahat ng ama katulad ni tatay? Si tatay kasi sobrang bait. Sobrang mapagpasensiya. Lahat gagawin para sa pamilya. Hindi mo maririnig yun na minumura niya yung mga anak niya o kahit sino. Kapag walang pera, hahanap yun ng paraan at hindi dahilan kung bakit ganun ang nangyayari. Pag nagaaway sila ni nanay (lola), hindi mo makikitang sinasaktan niya si nanay o kaya mumurahin. Aalis yun maya-maya, magpapalipas siguro, pero babalik din agad. Kahit kelan di nun iniwan si nanay. Pag may ginawa kang hindi maganda, hindi ka niya sasaktan o mumurahin, pagsasabihan ka lang nun. Sinong hindi makaka-miss sa kanila? Pag kasama mo sila para lang kayong magkakaibigan. Wala kang hihilingin pa. Thankful ako kasi sila nagpalaki saming magpipinsan.

The moment when you can’t explain how much you miss your friends.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 »
Paper Edge
Design by Athenability
Powered by Tumblr